Home » Post Item » Wag Patulan
Chiaroscuro...
...the interplay of light and shade

Wag Patulan

July 29, 2009

Ito ang aking unang tagalog na post.  Kadalasan, sa Ingles ako nagsusulat.  Pero, ngayong araw na ito..sa sobrang inis ko, di ko na magawang isalin sa Ingles ang iniisip ko.  Para sumaya ang buhay:

(1)  Wag patulan ang landlady (na di naman talaga lady kung hindi witch) na walang magawa sa buhay.

(2)  Wag patulan ang mga pinagsasabi na wala namang basehan.  Kahit ba ubusin niya buong araw niya sa pag chichismis tungkol sa iyo.  Wag mo nalang pansinin.  Kung sa itsura lang, mas may kredibilidad ka naman.  Wala lang magawa at makausap yun kaya nagsisimula ng chismis.

(3)  Wag mapikon sa mga pinagsasabi.  Mas malinis di hamak ang bahay mo.  Kung may panggagalingan ng peste at daga, bahay niya iyon.  Dahil peste siya.

(4)  Wag pakitang naiinis.  Dahil yun ang gusto niyang mangyari, ang makuhanan ka ng reaksyon.  Madali umiwas.  Di mo naman kelangan makita siya araw araw.  Maaring maglagi sa loob ng bahay at magpunta sa kwarto na di niya tanaw.  Magbukas ng radyo malakas para siguradong di mo madidinig ang maingay niyang bibig.

(5)  Magsimula na maghanap ng malilipatan.  Di lang naman bahay lang niya ang pwedeng tirahan.

Posted by prettylatebloomer at 11:42 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment